Hay naku! Ano na ang nangyari sa aking blogging side... wala na! Wala na akong nararamdaman na excitement sa paglagay ng aking weblog! Hehe... pero ito ako... naglalagay. Wala nga lang excitement. Gusto ko lang mag type dito...
Kumusta na kaya ang mundo? Sa dami dami ng dumaang mga gulo - bagyo, corruption, whatever... buti na lang buhay pa ang mga tao...
Eh ang mundo kaya? Buhay pa kaya? Unti-unting nauubos ang mga puno... ang daming batas laban sa illegal cutting of trees pero hanggang saan kaya yun? Puro salita at dada wala namang ginagawa... parang ako. Nandito nag susulat tungkol sa mga bagay na ito ngunit wala namang magawa...
At kung napapansin niyo ako ay nagfi-Filipino hanggang sa kaya ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang ang ganda kasi pakinggan ang Filipino. Totoong maganda ang ating sariling wika! Tunog pa lang maganda na... kahit hindi gamitin sa pangugusap ay parang alam mo na kaagad ang ibig sabihin... kung maganda ba o pangit. Tulad ng dalisay, paslang, tugis, hawi, at iba pa. Diba? Kung pinoy ka talaga... parang alam mo na ang ibig sabihin diba?
'Yun lang. Paalam.

